Friday, March 02, 2007
ka-dramahan..

MOOD: ala lang.. nagdadrama lang..
MUSIC: *wala*

Makakalimutan din kita.
Makakalimutan ko ring minahal kita.

Kahit mahirap, pipilitin ko.
Kahit masakit, kakayanin ko.

Kakalimutan kita, di dahil di na kita mahal, pero dahil yun ang nararapat.
Di dahil mali, pero dahil yun ang mas tama.

Masaya din naman ako na minahal kita.
Masaya, na kahit sa maikling panahon, nakasama kita.

Sapat na ang mga atensyong ibinuhos mo sa akin.
Tama na rin ang mga pagpapahalagang naipadama mo sa akin.

Malaki ang pasasalamat kong nakilala kita.
Natutuwa ako, dahil sa buhay ko, naging bahagi ka.

Mahal kita, kahit di mo nararamdaman.
Mahal kita, kahit di mo nalalaman.

Mahal kita, kahit di ko masabi syo.
Mahal kita, pero kelangan ko ng lumayo.

Mahal kita, pero kakalimutan na kita.
Mananatili ka na lamang sa aking alaala.


*hahaha!! andrama ko!! wala lang 'to.. wag masyado magpaniwala..:D*


i've been Tin Nolasco at 01:17

0 read and shared

Post a Comment

...back to main


Image Hosted by ImageShack.us
...my heart...my soul...my mind...coz being CLUELESS does not have to mean i am STUPID...allow me to talk...